Hello! I would really appreciate your insights and suggestions! Remote worker ako, direct hire, since pandemic pa, pero nitong Aug lang ako nagupdate as self-employed sa BIR, ung 8% ung pinili ko. Hindi pa ako nagbayad ng tax ever since working online. Meron akong trip to Seoul sa Feb 2026, and sabi, kailangan ko magfile ng visa this Nov para pasok sya sa 3 mons validity. Pwede pa naman ako makakuha ng quarterly ITR this Nov 15 filing, and hindi din sinilip ng BIR kung kelan pa ako nagstart magwork online and sabi, pwede ilagay ko ung income ko lang mula ng nakapagfile ako as self-employed, pero ang concern ko kasi, makikita sa COE ko na matagal na akong sumesweldo way before this. Paano kaya ung time na wala akong ITR? Dapat ba ako magfile ng Affidavit of No ITR kahit may income naman ako during that time, or sapat na ba ung cover letter explaining bakit di ako nakapagasikaso ng ITR before? Ano pang additional documents pwede ko iprovide to increase my chances of approval? I’m worried na sa Korean Embassy pa ako mahuli na di ako nagbabayad ng taxes 😬 maraming salamat!
submitted by /u/PastSeat3684
[link] [comments]
0 Comments